Endless Possibilities

I’m writing this one out of randomness. Naku naman! Nagenglish naman ako. Back to business. I’m sitting right now in the food court of a certain mall. Wala lang. Trip lang kung baga. Parang habit ko na rin to. Staring at people wondering what they are really thinking. Posible naman yun noh? Yung ma gets mo agad kung anong iniisip ng mga tao. Nothing is impossible ika nga nila.

Kanina naisip ko na naman siya. Hindi naman kasi sinasadya. Bigla lang nabanggit ng best friend ko yung name niya. Tapos sabi pa niya loyal daw ako masyado, to the point na minsan di na ako nakaka appreciate ng ibang tao. Bigla kong tinanong sarili ko kung ganun na nga ba ako. Isa lang naman sagot ko eh, hindi naman. May bago nga akong crush na di ko naman alam ang name. Pathetic!

Pero naisip ko rin, maybe tama best friend ko. Loyal talaga ako. Pero wala naman kasing point yung pagiging loyal ko sa’yo kasi hindi mo naman alam. Parang hindi mo ring naman ina.acknowledge ang existence ko so what’s the point di ba?! Minsan naisip ko na tama na kasi wala rin naman tayong memories na pwede kong i.treasure kung saka sakali. Ano nga ba meron tayo? Wala naman di ba? Your just that snobbish guy who caught my attention but I never caught yours. Another pathetic point!

Ngayon ko lang naisip na ang loser ko pala. I wasted about one and a half year for you, wala naman pala akong napala kahit singkong duling. Hay buhay! Nabuti pa nga best friend ko and yung labs nya, friends sila in some way. What’s wrong with you ba? Minsan man hindi kita nakita na may kausap na ibang tao aside from your teammates. It seems like you closed your world and never let anyone open it. Para kang takot sa iba. Takot na masaktan? Or iwan nila? Hey dude, may news ako sa’yo. Natural lang po yun!  Part of being a human ang nasaktan at iwan ng iba. Baka naman takot kang na inlove sa iba? Sinasabi ko sa’yo teh, hindi yan naiiwasan. Nasa sa’yo lang yan kung panu mo iha.handle. Kung alam mo lang. Ikaw ang isa sa mga taong nagpapa.stress sa kin. Walang halong biro!

Bakit nga ba endless possibilities ang title nito? Wala lang trip lang. Marami kasing possibilities ang sa tingin ko mangyayari kung nagkataon. Nag move naman na kasi ako. Alam ko naman na walang tayo in the near yet so far future. Obsessed ka kasi masyado sa isang girl. Pero ganun rin ba nararamdaman niya para sa’yo? Hay naku! Di ko na problema yun.

Minsan naiisip ko na alam mo na yung feelings ko. May mga signs kasi. Pero tuwing naiisip ko na ganun na nga, may nagsasabi  rin na di naman. Iba kasi yung attitude mo for other people. Hindi ko ma gets. Wala nga akong clue. And for your information, magaling akong magbasa ng tao. Pero sa’yo, wala nga akong mabasa. I’m beginning to doubt my abilities.

Bakit ganun? Every time I try to move on magpapakita ka sa kin. It is like you’re telling na I can’t do it. Na you already know that you have this certain pull in me. It is like I’m in a certain trance that you are controlling and only you have the power to release me. Ang drama ko! In other words (shorter terms), hindi talaga ako maka.move on. Nakakinis ka na alam mo ba yun? Sa sobrang inis ko, gusto ko ng ibato laptop ko sa’yo.

Bakit, ano nga bang meron ka? Ikaw ka yung high school crush ko? Hindi naman di ba? Mabuti pa nga yung high school crush ko, friends kami. As in friends. Four years kong naging crush yun kung alam mo lang. Inalaga ko yun. Kahit alam niya yung feelings ko, hindi siya naniwala. Kahit na tinutukso tukso na kami, keribels lang. Kami naman yung friends, hindi nama hawak kung ano man meron kami.

Gusto ko na sanang i.close ang chapter na yan pero I still have to prove to myself na wala na talaga akong pakialam. Bakit ikaw lang ba ang guy dito sa mundo? Naku teh, hindi lang ikaw noh! Hindi ako naghahanap, naghihintay lang po ako. haha!

Pasti! Kung anu ano na lang sinasabi ko. Bahala na. Basta ako, ok lang ako. Sana sa susunod (though secret wish ko lang to) I can penetrate your world. Pero wag na lang baka magka.complication pa. Ayoko ng ganun. Sawa na ako.

Don’t worry! Uuwi ako ng sembreak. Pagbalik ko, wala na to. Babalik na ako sa dating ako. Yung ako na miss na miss ko. 😦

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s